www.republika-online.com

Loading...

Tanggapan ng POLO Jordan kakaiba

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo Rosario

Dapat nang imbestigahan ng Office of the Ombudsman (OMB) o iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang patuloy na pag-upa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Amman, Jordan, sa gusali na pag-aari ng isang kilalang recruiter ng overseas Filipino workers. Ang patuloy na pag-upa sa naturang building mula pa noong 2015 ay maituturing na illegal dahil sa conflict of interest.


Biro n’yo, mga padrino ko, marami na ring na-recruit na OFWs ang Al Manar Placement Agency, at marami rito ang tumatakas sa employer dahil nakararanas sila ng pagmamaltrato.


At kapag sila ay tumakas sa kanilang employer at sa Bahay Kalinga ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang patutunguhan para sa pansamantala nilang tirahan. Ang distressed workers ay inaalagaan ng OWWA personnel sa Bahay Kalinga na nasa ilalim naman ng POLO.


Pero ang distressed OFWs na ni-recruit nireng si Al-Manar Hindawi ay nagrereklamong sila ay naaapi sa Bahay Kalinga dahil nga sa sunud-sunuran daw ang POLO at OWWA personnel dito kay Al-Manar, dahil sa siya ang may-ari ng gusali ng kinaroroonan ng mga ahensya ng Philippine government. Inuupahan ng POLO ang buong gusali ng Al-Manar Building na nasa 113 Khalil Yassin al Talhoni St., Hay-diyar Dier Ghabar, Amman, Jordan.


Ayon sa OFWs, ang Filipina na katiwala ni Al-Manar Hindawi, ang siyang nasusunod sa POLO at sa OWWA. Batas daw ang kanyang mga sasabihin sa POLO at kinatutukutan siya ng mga “ward” sa Bahay Kalinga lalo na yaong mga runaways na ni-recruit ng Al-Manar agency. Tsk, tsk, tsk!


Marami pang mga reklamo laban dito sa Filipina na katiwala ni Al-Manar pero iniipon ko muna ang lahat dahil sa aalalayan ko ang complainants na magsampa ng kaso laban sa recruitment agency sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA),


Pero para maprotektahan ang OFWs na pansamantalang naninirahan sa Bahay Kalinga sa Amman ay dapat nang umalis doon ang POLO at lumipat ng ibang gusaling mauupahan, Napakaraming gusali roon na maaaring malipatan ng POLO at baka maganda at mura pa.


Inaamin kong hindi ko alam ang upa ng POLO sa Al-Manar Building dahil sa ayaw sabihin ito sa akin ng Department of Labor and Employment (DOLE), Pero ito ay napakalaking halaga na binabayaran sa buwis ng mga Filipino at mula sap era ng OFWs na inaapi at hindi mabigyan ng kaukulang proteksyon laban sa Al-Manar Placement Agency dahil na rin sa tumatanaw ng utang na loo bang POLO rito.


Natapos na ang unang kontrata ng POLO sa naturang building na pag-aari ng recruitment agency pero nakapagtatakang hindi pa rin ito inilipat gayong malinaw namang meron itong tinatawag na conflict of interest.
O baka naman merong kumikita sa DOLE ng malaking komisyon kaya hindi na inilipat ng gusali ang POLO na pinamumunuan ng isang Labor Attaché Jainal T. Rasul. Sus!


At naapi pa nga ang ating OFWs na ni-recruit ni Al-Manar, dahil nga sa hindi makaporma ang POLO personnel para sila protektahan. Amen na lang nang amen ang POLO!
Abangan!


Same Category

OpEd

Neighborhood bully China

Republika
OpEd

Pork import, yes; rice import, no

Republika
OpEd

Destiny in last Ramadan nights

Republika
OpEd

Covid mess

Republika