www.republika-online.com

Loading...

SIPATIN NATIN!

Republika

Knights of  Columbus frontliners

Sakaling malabag ang mga karapatan ng senior citizens sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010, ang tamang pagsampahan ng reklamo ay sa Office of the Prosecutor at hindi sa Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA.

Napatunayan ko na ito sa ilang mga isinampa kong kaso laban sa mga business establishment na ayaw sumunod sa nabanggit na batas.

***

Napakaraming sakripisyong ginawa ang mga miyembro ng Knights of Columbus Council No. 9926, Sto. Niño de Molino, Phase I, Bahayang Pag-asa, Molino V, Bacoor City, Cavite, para makatulong sa mga mamamayan sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic. Isinakripisyo nila ang sarili nilang kaligtasan para lang makatulong sa kapwa gamit lang ang pinakamabisang sandata laban sa lahat ng kapahamakan at masama ang Sto. Rosaryo ng Mahal na Birheng Maria.

Sa pamumuno ni Grand Knight Ernesto “Ernie” Macalalad, ang ilang miyembro nito na kinabibilangan nina ACN No. 2357 Faithful Navigator Pacual “Pascky” Limocolioc, Past Grand Knight Wenceslao “Junn” Antaran, Jr., Sir Knights Gerardo Saenz, Erwin Soriano, Alnair Cruz at Edmond Almaden, ay tumulong sa pagbabantay ng mga lansangan upang matiyak na ang ECQ o enhanced community quarantine ay naipapatupad ng maayos at higit sa lahat ay nasusunod. Inalalayan din nila ang mga taong naoobligang lumalabas ng kani-lang bahay para bumili ng mga pangangailangan tulad ng pagkain at mga gamot at iba pa.

Naghanda rin sila ng mga pagkain para sa iba pang frontliners at nagpamigay ng libreng face masks lalo na sa mga bata. Libreng ipinamigay ang face masks pero hindi libre ang mga ito para kay GK Ernie kasi siya ang gumastos. Hehehe!

Nagpapasalamat din sila sa Tau Gamma Phi Phase 3-A Chapter na nagbigay ng mga bottled water bilang donasyon nito sa frontliners.

Kahanga-hanga ang mga sakripisyong ito ng mga miyembro ng Council No. 9926. At sana ay magpatuloy pa ang kanilang mabubuting gawain para sa kapwa, Brother Knights!

Vivat Jesus!

***

Belated happy birthday kay Sir Knight Edmond Almaden na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Hunyo 9.

***

Tila lalawak na ang POGO o Philippine Offshore Gaming Operators ng mga Chinese nationals sa Metro Manila. Ang POGO ay online gambling services para sa labas ng bansa.

May natanggap akong impormasyon na ang class club Air Force One sa Parañaque City ay isinara ng may-ari para gawing POGO. Ilan pa sa mga isinarang kilalang clubs na tila magiging tahanan ng POGO ay ang Hearthbeat at Pegasus na parehong nasa Quezon City.

Ang Chinese nationals ay hindi makapag-operate sa kanilang bansa dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang sugal. Kaya dito sila sa bansa nagsulputan.

Nakaambang mamutiktik ang POGO dito sa bansa!  Abangan!!!

***

Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com         


Same Category

OpEd

Back to square one

Republika
OpEd

Saving lives or saving the economy?

Republika
OpEd

Bridges, hi-tea & empowered women

Republika
OpEd

World wetlands day

Republika