www.republika-online.com

Loading...

Sec. Guevarra laban sa katiwalian

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Tila napikon na si Presidente Rodrigo Roa Duterte, sa talamak na katiwalian sa kanyang administrasyon. Lalo na sa gitna pa man din ng pandemic na sinamantala ng mga hindoropot sa pamahalaan.


Dahil dito, inatasan ni Presidente Duterte si Justice Secretary Menardo I. Guevarra, na imbestigahan ang katiwalian sa lahat ng burukrasya ng pamahalaan na sisimulan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na inakusahan niyang laganap ang matindi at garapalang korapsyon.


Pero kung seryoso itong si Presidente Duterte na mabawasan ang katiwalian na naging garapalan sa kanyang adminimistrasyon ay sibakin muna nya ang mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ang Office of the Ombudsman (OMB), na may mandatong habulin ang mga tiwali sa pamahalaan pero na-obserbahang inutil sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.


Ako mismo ay mayroong personal na karanasang napakasaklap sa mga ahensyang ito na nang sadyang upuan nila ang aking reklamo laban sa mga pinaniniwalaan kong tiwali sa gobyerno! Tsk, tsk, tsk!!


At silipin din ni Secretary Guevarra ang sinasabing pinababang tax obligation ng dalawang malalaking kumpanya dahil sa masidhing corruption sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na pinamumunuan ni Commissioner Caesar Dulay.


Lilinawin ko lang na hindi ko sinasabing pinamumunuan ni Com. Dulay ang corruption sa BIR at ang sinasabi kong pinamumunuan n’ya ay ang BIR, na isang graft-ridden government agency. Hehehe!


Marami pang ahensya ng pamahalaan ang pugad ng katiwalian na lumaganap dahil na rin sa naturuan sila ng kanilang mga opisyal. Hindi na nag-iingat ang mga opisyal dahil ang gusto nila ay makapagnakaw agad sa pamahalaan! Sus, ginoo!!


Hangad ko ang tagumpay ni Sec. Menardo I. Guevarra na sugpuin ang talamak na katiwalian sa ating pamahalaan! Abangan!!!


Sana ay imbestigahan din ni Secretary Menardo I. Guevarra ang National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ), na nagiging pugad na rin ng garapalang katiwalian.


Biro n’yo, mga padrino ko, dahil lang sa nalagyan ang mga bugok sa NPS ay nagiging sinungaling sila at bobong-tanga sa kanilang pag-resolba sa mga kasong idinudulog sa naturang tanggapan! Susmaryosep!!


Sa pagresolba ng isang regional prosecutor sa petition for review ay sinabi n’yang “satisfactorily explained” ang hindi pagsama ng motion to suspend court proceeding sa naturang petition.

DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the columnists do not necessarily reflect or represent the views and opinions of the owners.


Same Category

OpEd

A salute to rescue workers

Republika
OpEd

When can we have the vaccine?

Republika
OpEd

Balanghay voyage stirs marine consciousness

Republika
OpEd

Invest in lambanog

Republika