www.republika-online.com

Loading...

PRC

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo r. Rosario

Nagsampa ako ng reklamo sa Professional Regulation Commission (PRC) Agosto 27, para ipakansela ang lisensya ng isang dentista dahil sa paglabag ng Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na summon mula sa Legal Division ng tanggapan. Higit 3-buwan na pero wala pa ring aksyon ang Legal Division sa aking reklamo.


Umaasa ako na wala na ang mga hindoropot na buwaya noong 2013 sa PRC Legal Division. Abangan!


Ngayong nalalapit na ang bakuna laban sa Covid-19, ang suhestiyon ko ay umorder na ang mga may pera para maireserba na ng gobyerno ang mga kakailanganin ng taon.


Ang halaga raw nito ay mula sa US$5 hanggang US$30, kaya kung tutuusin ay nasa abot-kaya ng karamihan ng mamamayang Filipino.


Huwag nang umasa ang lahat na aabonohan ng gobyerno ang bakuna para sa lahat dahil wala na raw pera ang kaban ng bayan.


Katunayan ay binabalak na naman ng Duterte administration na umutang ng bilyones para lang mabili ang bakuna para sa frontliners at mahihirap nating kababayan.


Kaya i-advance na ang order ng mga may pera para minsanan na lang ang pag-order ng gobyerno ng bakuna.


Wag pairalin ang pagiging kuripot para sa proteksyon ng buhay!


Belated happy birthday sa aking kaibigan si Christopher Radam, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noon Nobyembre 26. Ang simpleng selebrasyon ay idinaos sa Georgetown Heights Subdivision, Molino IV, Bacoor City, Cavite.


Ilang taon nang nagsasakripisyo ang mga motorista sa grabeng trapik sa Molino-Zapote Road sa gawi ng Molino IV patawid ng Molino III, dahil sa kabobohan ng mga hindoropot na traffic enforcers na iginigiit ang “buhos” sa lugar.


Mantakin ba namang umaabot ng 1-oras ang paghinhintay sa “buhos” bago makaabante ang mga sasakyan. At halos 1-kilometro ang haba ng pila ng mga sasakyan dahil sa maling sistema ng pagmamando ng trapiko nireng Bacoor Traffic (Mis)Management Office (BTMO) personnel ni Mayor Lani Mercado.


Ilang taon nang tinitiis namin ang kabobohan ng mga traffic enforcers ng BTMO, pero hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa lugar.
Ang remedyo ng mga hunghang sa administrasyon ni Mayor Lani ay ang pagtayo ng flyover sa lugar na higit 1-taon nang ginagawa pero kalansay pa rin ang nakatayo sa lugar. Tsk, tsk, tsk!


Tila sinadya nilang pahirapan ang mga motorista sa matinding traffic pero magkaroon ng dahilan ang pagtatayo ng flyover na super-bagal namang ginagawa ng kontraktor.


Ito ang malinaw na panggagago sa mga tao. Pahihirapan ang mga tao para gumawa ng proyektong hindi kailangan kung tutuusin.


Dapat subukan ng traffic enforcers na gawing dalawang minutes lamang ang paghihintay sa pagpalit ng signal lights at hindi yaong oras ang ginagawang paghihintay.


Mag-eksperimento sila hanggang madiskubre ang pinakatamang paraan para sa pag-manage ng trapiko.


Biro n’yo, mga padrino ko, sa dami ng napuntahan kong lugar na mayroong traffic lights, e, dito sa Molino IV lang ako nakaranas na maghintay ng isang oras para sa go signal! Sus, ginoo!


Same Category

OpEd

Incoming Senate: All in the family

Republika
OpEd

Rizal, Brunei sultan share a mystery

Republika
OpEd

Turning 30

Republika
OpEd

Minority president

Republika