www.republika-online.com

Loading...

Political harassment

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Grabeng political harassment ang pagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman kamakailan lamang laban kay Director Ronnel M. Tan, ang regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Region I. Si Dir. Tan ay mister ni Congresswoman Angelina “Helen” Tan, ng 4th District ng lalawigan ng Quezon.


Biro n’yo, mga padrino ko, inakusahan si Dir. Tan ng isang konsehal sa Lopez, Quezon, na nag-paagaw daw ng pera na tinatayang P2-milyon hanggang P3-milyong nang magdiwang ito ng kanyang kaarawan noong Disyembre 2019, na ginanap sa kanyang bahay sa Quezon province! Susmaryosep!!


Nagpaulan daw si Tan ng napakaraming pera sa mga bisitang dumalo na kinabibilangan ng dalawang alkalde sa lalawigan, ayon pa rin sa reklamo ng konsehal.


Isang bisita nga raw ang nakaagaw ng P200-libo samantalang ang isa naman ay nakaagaw ng P100-libo! Wow!!


Sa panahong ito, siguradong maraming kumuha ng video sa naturang pag-ulan ng pera na umabot hanggang P3-milyon, kung paniniwalaan ang akusasyon ng hindoropot na konsehal. At siguradong magiging viral ito sa social media dahil nga sa ito na ang kauna-unahang pangyayari sa buong bansa na nagpaagaw ng milyones ang isang government personnel sa pagdiriwang lang ng kaarawan.


Pero nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isang video ang lumabas sa social media. At hindi ito naipaliwanag ni konsehal o ng kanyang abogado na nagpa-presscon sa araw ng pagsampa ng reklamo.
Sa pagsabi pa lang na ang kaarawan ni Dir. Tan ay noong Disyembre ay malaki nang pagkakamali dahil Pebrero ang kanyang kaarawan. Tsk, tsk, tsk!


Bukod dito ay walang iprinisintang testigo at ebidensya ang konsehal na susuporta sa kanyang mga akusasyon gayong 10-buwan na ang nakalipas mula Disyembre hanggang Oktubre. Hindi iprinisinta ng konsehal ang kahit isa man lang sa sinasabi niyang apat na katao (yaong dalawang alkalde at yaong dalawang nakaagaw ng daang libo).


Nagkaroon nga ng press conference tungkol sa pagsampa ng kaso pero hindi naman humarap ang konsehal sa media. Halatang umiwas siya sa mga tanong ng media dahil mabubuking ang kanyang pakay! Tsk. tsk, tsk!
Sinisira lang ni konsehal ang reputasyon ni Dir. Tan dahil sa lumutang na tatakbong governador ng lalawigan ng Quezon ang kanyang asawang si Congw. Angelina “Helen” Tan. Si Congw. Tan ay binansagang “giant killer” nang talunin niya ang kilalang pamilya ng Tañada.


Alam kasi sa buong lalawigan na sina Dir. Tan at Congw. Tan ay matulungin at nagmamahal sa kapwa lalo na sa kanilang kababayan.


Matagal akong nagkober ng DPWH bilang reporter at alam kong si Dir. Tan ay respetado sa departamento dahil na rin sa kanyang kabutihan. Siya ay tunay na propesyonal at hindi nasangkot sa ano pa mang kontrobersiya sa kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin.


Kaya siguradong ibabasura lang ng OMB ang kasong isinampa ni konsehal laban kay Dir. Tan. Kasong walang saysay liban sa political harassment lamang!


Pero dapat kasuhan ni Dir. Tan ang hindoropot na konsehal na sumisira sa kanyang malinis na pangalan at kagalang-galang na reputasyon. Para maturuan ng leksyon! Abangan!


Same Category

OpEd

A salute to rescue workers

Republika
OpEd

When can we have the vaccine?

Republika
OpEd

Balanghay voyage stirs marine consciousness

Republika
OpEd

Invest in lambanog

Republika