www.republika-online.com

Loading...

OMB and PRC

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Nagsampa ako noong Pebrero 27, 2019, ng reklamo sa Office of the Ombudsman (OMB) laban sa isang revenue district officer at examiner ng Bureau of Internal Revenue na noon ay nakatalaga sa Revenue District Office No. 54B pero hanggang ngayon ay tila nasa “evaluation” pa rin ang aking reklamo.


Ang isa sa mga ikinaso ko laban sa kanila ay ang dereliction of duty dahil sa hindi inaksyonan agad ang aking reklamo na imbestigahan ang isang negosyo ng ayaw magbigay ng official receipt.


Dahil sa sobrang tagal ay malamang na inamag na ang folder ng kaso sa OMB.


Saan kaya ako maaaring magsampa ng kasong dereliction of duty laban sa tauhan ng OMB na naglimlim sa aking kaso?
Alamin!


Umabot na rin ng halos 5-buwan ang isinampa kong reklamo sa Professional Regulations Commission laban sa isang lady dentist pero hanggang ngayon ay wala pang naka-schedule sa Legal Division, na paghaharap namin. Wala pang schedule kung mediation o pre-trial na.
Naalala ko tuloy na noong 2013 ay may ginawang kababalaghan sa mismong Legal Division nitong PRC.


Biro n’yo, mga padrino ko, noong nagsampa ng kaso sa PRC ang yumaon kong anak laban sa isang doktor ay dinismis ng hearing officer yung kaso. At nag-file ako ng motion for reconsideration na pina-receive ko sa PRC.
Nagulat ako nang makatanggap ako ng denial o pagbasura sa MR ko dahil daw sa lumagpas na ang pag-file ko sa reglementary period ng 15-araw. Gayong sa nakatimbre sa kopya ko ay 11-araw pa lang nang maipasok ko ang aking MR.


Pumunta ako sa PRC na dala ang aking kopya na may timbre ng pag-file ko at malinaw namang 11-araw pa lamang iyon mula nung aking matanggap ang desisyon na ibinasura ang kaso ng anak ko.


Ang matinding problema ay nang ipakita nila ang kopya ng ipinasok ko sa kanila ay iba ang nakatimbre na petsa roon ng aking pag-file! Sus, ginoo!!
Malinaw nga namang lagpas na sa 15-days ang lumitaw sa kanilang timbre pero iginiit kong ang dapat masunod ay ang aking kopya na may timbre ang PRC docket section.


Dinala ko kay noo’y Chairman Teresita Manzala ang problema at pinagalitan n’ya sa harap ko ang officer-in-charge ng legal division dahil naniwala s’yang tama ang timbre sa aking kopya ng MR at dinoktor lang sa Legal Division ang kanilang kopya. Tsk, tsk, tsk!!


Ang gusto kong mangyari sana noon ay mag-request ng imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sigurado akong may sindikato sa loob ng PRC na sobrang katakawan sa pera, Halata ko namang dinilihensyahan ng mga hindoropot ang doktor na inireklamo ng aking yumaong anak ng gross incompetence.


Pero naghahanda na rin kami papuntang Jordan nung panahong iyon kaya hindi ko na itinuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa PRC Legal Division na naging pugad ng mga kawatan at patay-gutom na buwaya!
Ang matindi ay tila hanggang ngayon ay meron pa ring tulisan sa loob nitong PRC.


Same Category

OpEd

Incoming Senate: All in the family

Republika
OpEd

Rizal, Brunei sultan share a mystery

Republika
OpEd

Turning 30

Republika
OpEd

Minority president

Republika