www.republika-online.com

Loading...

Mga HOA dapat sipatin

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Marami ang hindi nakakaalam na ang homeowners’ association o HOA ay obligado ring sumunod sa batas. Katunayan ay kapag ipinarehistro ang HOA sa Housing ang Land Use Regulatory Board (HLURB) ay mayroon na rin itong Bylaws na obligadong sundin ng lahat ng miyembro at ito ay alinsunod sa umiiral at ipinatutupad na batas ng bansa.


Kaya ang HOA na bagaman sinasabing napakaliit na asosasyon ay pinamamahalaan ng bylaws na kapag nilabag ay mayroon ding karampatang parusa na igagawad ng batas.


Obligado ang lahat ng miyembro na igalang ang HOA lalo na ang pondo nito na nagmumula rin sa mga miyembro. Hindi kailan man magiging personal na pag-aari ng mga opisyal ng HOA ang pondo nito kahit pa nagsagawa sila ng project gamit ang pangalan ng asosasyon.


Ang pagiging opisyal ng HOA o miyembro ng BOD nito ay isang malaking sakripisyo dahil sa wala itong suweldo o allowance na maaaring tanggapin. Ipinagbabawal ng Republic Act No. 9904 o ang Magna Carta for Homeowners and HOAs na tumanggap ng ano mang halaga ng suweldo, allowance o per diem.


Kaya ang member ng BOD na itatalaga ring treasurer na mayroong malaking allowance ay malinaw na paglabag sa naturang batas at ito ay circumvention o pag-iwas sa batas.


Pero 24-libo na rehistradong HOA sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa buong bansa ay may mga problema na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga miyembro. Katunayan, umabot na sa mahigit 32-libo ang kasong natanggap ng DHSUD dahil sa sigalot sa HOA.


Wala ngang suweldo o allowance ang mmiyembro ng BOD ng HOA pero bakit maraming gustong maging opisyal nito? Bakit din nagkakadayaan pa sa eleksyon para lang maging opisyal ng HOA? At bakit kahit na higit 10-taon nang opisyal ay ayaw nang bumaba sa kanyang puwesto na gumagawa pa nga ng maruming estratehiya para lang manatili sa puwesto?


Ang pinag-aagawan ng mga hindoropot ay ang magkaroon ng kapangyarihan at, siyempre, pera. Ninanakaw ng mga hinayupak ang pera ng asosasyon! O ginagamit ang asosasyon para makadilihensya sa mga politiko ang mga hunghang na opisyal ng HOA!! Tsk, tsk, tsk!


Meron ngang HOA na ang higit sa P500-libo na refund ng ibinayad ng homeowners para sa streetlights ay nawawala dahil pinag-interesan ng isang dating miyembro at ng abogago, este, abogado nito! Sus, ginoo!
At meron ding opisyal itong HOA na nagnakaw na raw ng higit P500-libo at patuloy pa ring mangungulimbat ng pera at itinuturing niyang personal niyang pag-aari hindi lamang ang HOA kundi ang buong subdibisyon! Susmaryosep!!!


Kaya dapat maging mapagmasid ang lahat ng miyembro sa kanilang HOA, Para hindi naloloko o nananakaw ang kanilang pera ng kanilang mga opisyal na akala nila ay nagmamalasakit para sila pagsilbihan pero ang tunay na pakay pala ay ang makapagnakaw.


Mag-ingat po ang lahat sa pagpili ng inyong HOA officers! Abangan!


Mayroon palang direktiba ang DHSUD sa lahat ng HOA na tumulong sa pamahalaan at barangay na ipatupad ang health protocols nitong pandemic. Kilos naman po!


Same Category

OpEd

VEHAI execs lauded

Republika
OpEd

1Sambayan a big joke?

Republika
OpEd

Trillions sought from China for Covid deaths

Republika
OpEd

Freedom Day Pinoy fiesta

Republika