www.republika-online.com

Loading...

Mga doktor, ayaw na sa lockdown

Republika

SIPATIN NATIN! | By Dodo R. Rosario

Binayaran na raw ng Manila Electric Company (Meralco) ang ipinataw ng Energy Regulatory Commission (ERC) na P19-milyong multa para sa paglabag nito sa protocols ng pamahalaan habang ang Luzon ay nasa ilalim ng lockdown.


Nakarating sa ERC ang reklamo ng mga consumer ng naturang electric firm dahil sa “bill shock” na nag-imbento lamang ire ng kanilang siningil sa kabila ng pandemic dulot ng COVID-19.

Pero ang malinaw dito ay ang mga customers ang nadanyos ng Meralco at hindi ang ERC. Lalong hindi ang gobyerno.
Kaya dapat lang na ang P19-milyon ay mapunta sa Meralco customers at hindi sa ERC. Dapat pabatas na paghatian ng mga Meralco customers ang pera. Abangan!


Sumulat ako sa Meralco para iprotesta ang sobrang taas ng singil nila sa aming kunsumo ng koryente base sa kilowatt hour na nasa bill nila. Ang kanilang sinisingil ay tiyak kung base sa kanilang inimbentong kilowatt hour nitong lockdown.

Ang aming bill noong nagdaang taon at hanggang sa Mayo nitong taon sa ilalim ng quarantine period ay naglalaro lamang sa P3,000 hanggang P4,000 at ang kilowatt hour ay hindi umabot sa higit 450.

Pero habang wala silang meter reader dahil sa pandemic ay biglang humigit sa P6,000 ang bills naming para sa 2-buwan na may kabuuang higit sa 1,300 kilowatt hour! Wow!!!

At nang sumulat ako sa Meralco para sa recomputation ng aking bills ay biglang duamating uli ang higit sa P6,000 bill na kumunsumo raw ng higit 600 kilowatt hour! Susmaryosep!!!

Dahil sa ginawa ng Meralco na pag-imbento ng electric consumptions ay nagdesisyon na akong magsampa ng kaso laban dine sa electric company sa ERC. Kakasuhan ko na ireng mandarayang higanteng kumpanya na nanloloko ng kanilang customers!

Tiyempo namang nagbayad na sila ng ipinataw na penalty ng ERC dahil sa kanilang pandaraya sa gitna ng pandemya. Sus, ginoo!

Para sa akin ay ang pagbabayad nireng Meralco ng P19-milyon ay pag-amin na dinaya nga nila ang kanilang customers. Inamin nito na ang kanilang pag-imbento ng bill ay malaking pagkakamali na nagpapatunay ng nagtangka silang dayain at nakawan ang kanilang customers!
Humanda ka, Meralco!!!


Ipinaaalis na ng grupo na pinangungunahan ng medical practitioners ang lockdown sa buong bansa at i-quarantine na lamang daw ang mga may sakit lamang at hindi ang mga malulusog na tao.

Ayon sa 5,000-member Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) na pinangungunahan ni dating Health Secretary Jaime Galvez-Tan, ang mga tao ay maaaring bigyan na lamang ng gaya ng hydroxychloroquine bilang prophylaxis at maaaring gumamit ng Vitamins ng D at C para magpalakas ng immune system laban sa Covid-19.

Sabi ng grupo na nagtatag ng “Flatten the Fear Campaign” ay 77-porsiyento ng mamamayan ang gusto nang magbiyahe dahil na rin sa kanilang hanapbuhay subalit pinipigilan ng mga quarantine na inilatag ng IATF sa iba ibang panig ng bansa.

Sana pakinggan at paniwalaan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang mga eksperto sa medisina. Abangan!


Same Category

OpEd

Back to square one

Republika
OpEd

Saving lives or saving the economy?

Republika
OpEd

Bridges, hi-tea & empowered women

Republika
OpEd

World wetlands day

Republika