www.republika-online.com

Loading...

Korte Suprema

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Mistulang kinakandong ng Korte Suprema ang katiwaliang sa hudikatura dahil sa pagtakda nito ng mga mahihirap na requirements sa pagsampa ng reklamo laban sa mga huwes. Para bagang sumusuot sa butas ng karayom ang requirements.


Biro n’yo, mga padrino ko, simple lang ang sinasabi ng Section 1, Rule 140 ng Rules of Court tungkol sa pagsasampa ng reklamo laban sa huwes na nasasangkot sa iregularidad o katiwalian sa pagdinig sa kasong iniharap sa kanila para desisyonan.


Ayon sa naturang Section 1, Rule 140 ng Rules of Court, ang reklamo laban sa huwes ay nasa sinumpaang salaysay na notaryado at kasama ang mga ebidensya. Magsusumite na rin ng sinumpaang salaysay ng mga testigo.


Pero sa A. M.(Administrative Matters) No. 10-3-7-SC o ang Rules on E-Filing ay dapat ilagay pa sa compact disc (CD) ang mga nilalaman ng dokumento at kinakailangan pang ipadala sa e-mail ng Korte Suprema ang reklamo. Susmaryosep!


Mantakin ba namang ang nasa hard copy ay ililipat sa soft copy na pareho namang e-mail ng Korte Suprema!! Tsk, tsk, tsk!!!


At kapag nagkamali sa paggawa ng mga requirements ay ibabasura ng Office of the Court Administrator ang reklamo. Ibabasura ito na ngangahulugang kapag totoong tiwali o abusado ang huwes na inirereklamo ay ipagpapatuloy ang kanyang pagtamasa sa mga iregularidad o katiwalian! Sus, ginoo!!


Alalahanin sana na hindi lahat ng mga gustong magreklamo laban sa judge o huwes ay mga abogado. O yaon bagang merong kakayahang gumastos ng malaki para umarkila ng abogado ng gagawa ng reklamo batay sa pangangailangan ng Korte Suprema.


Kung gusto ng katas-taasang korte na linisin ang hudikatura ng mga huwes na nasasangkot sa iregularidad o katiwalian ay gawin na lamang nilang simple ang requirements sa pagsampa ng reklamo laban sa huwes alinsunod sa Section 1 Rule 140 ng Rules of Court.


Kung maaari nga ay tanggapin nila ang anonymous complaints at imbestigahan ito base sa mga ebidensyang ipinadala. Kasi, marami rin namang natatakot na kalabanin ang huwes ng harapan dahil na rin sa posisyon nito at sa koneksyon! Tsk, tsk, tsk!!


Ituring sana ng Korte Suprema na katulong nila ang mga nagrereklamo para malinisan ang hudikatura at matiyak na tama ang ginagawa ng mga huwes sa pagpapataw ng hustisya lalo na sa mga naghihirap sa buhay.
Baguhin sana ng Korte Suprema ang kanilang requirements sa pagsasampa ng kaso laban sa huwes na nasasangkot sa iregularidad o katiwalian para matiyak na ang mga matitinong huwes lamang ang didinig ng mga kaso at magpasiya batay sa mga ebidensyang iniharap sa kanila.


Tiyakin ng Korte Suprema na ang hustisya ay nananatiling nakapiring ang mga mata at hindi yaong nakamulagat dahil kumikiling sa ibang partido sa kaso lalo na yaong may bilyones! Abangan!


Patuloy pa rin itong ospital sa Molino, Bacoor City, Cavite, sa paglabag ng batas na nagbabawal humingi ng deposito sa mga emergency cases.
Inaabangan ko lang ang isampang reklamo ng magulang ng 2-taon gulang nalagay sa peligro ang buhay pero kwinentahan ng gastos nireng ospital. Abangan


Same Category

OpEd

A salute to rescue workers

Republika
OpEd

When can we have the vaccine?

Republika
OpEd

Balanghay voyage stirs marine consciousness

Republika
OpEd

Invest in lambanog

Republika