www.republika-online.com

Loading...

Kenkoyan sa DPWH

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Naniniwala si Presidente Rodrigo Roa Duterte na mayroong katiwalian sa Department of Public Works and Highways pero inabswelto n’ya si Sec. Mark Villar, dahil marami na raw itong pera kaya hindi na niya kailangan pang magnakaw.


Gaano kaya siya kasigurado? Nagtatanong lang po!
Abangan!


Dahil sa sinabi ni PRRD na rampant ang katiwalian sa DPWH ay binuo ni Sec. Villar ang Task Force Against Graft and Corruption na mula rin sa kanyang departamento.


Paano matitiyak na patas ang isasagawang imbestigasyon kung ang Task Force ay mga katropa rin ng mga tiwali sa DPWH?
Kenkoyan lang ang mangyayari n’yan!
Alamin!


Isa sa matinding kakenkoyan sa DPWH sa ilalim ni Sec. Villar, ay ang pagtalaga sa isang Anna Mae Y. Lamentillo, bilang chairman ng Build, Build, Build Committee gayong hindi naman s’ya enhinyero.


Ang naturang committee ay para sa construction kaya ang enhinyero lamang ang maaaring maipwesto sa naturang tanggapan at hindi yaong ignorante sa construction na gaya ni Lamentillo.


Ano kaya ang espesyal ng kwalipikasyon ni Lamentillo para pamunuan niya ang naturang committee? Baka naman magaling s’ya sa pag-uutos lamang? Nagtatanong po uli!


Para mabawasan man lang ang katiwalian sa departamento ni Sec. Villar, ay palitan na niya ang mga district engineer na nasa kanilang pwesto ng mahigit 5-taon na.


Karamihan sa mga DE ay nananatili sa kanilang pwesto ng mahigit sa 8-taon na at karamihan sa kanila ay mayroong mga palpak na proyekto. Isa nga sa kanila ay 11-taon nang nasa pwesto at isinusuka na sa kanyang tanggapan pero napakalakas sa mga opisyal ng DWPH kaya hindi siya mapalitan.


Balasahin sana ni Sec. Villar ang engineering districts sa buong bansa! Balasahin!


Sa proyekto na ipinatutupad ng district engineer lalo na sa mga probinsya ay alam na nila ang mananalong kontraktor. Alam ni DE kung kanino mapupunta ang proyekto.


Maghahanap na lamang ang DE na kalaban sa bidding pero ang lahat ng dapat na gagastusin ng talunang kontraktor ay babayaran ng winning bidder.


Sa araw ng bidding ay magbibigay ang mananalong kontraktor ng 3-porsiyento ng halaga ng proyekto na siyang paghahatian ng mga lumahok at mga miyembro ng Bids and Awards Committee.


At siyempre, matatapos na ang biding-bidingan ng DPWH. Doon na magwawakas ang bidding kuno sa engineering districts!


Iyan ang katiwaliang matagal nang namamayagpag sa DPWH na hanggang ngayon ay hindi masawata ng kahit sino pang iluklok na kalihim diyan!


Pinayagan nang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na lumabas ng bahay ang edad 15-65 anyos na ikinulong nila sa loob ng 7-buwan.


Ala, e, ibig sabihin ba ay inspeksyunin pa ng mga pulis ang mga valid identification cards ng mga tao para matiyak na ang edad 15-65 lang sila? Kailangan pa bang magdala ng birth certificate ang mga tao na ‘yan para mapatunayan ang kanilang edad? Tsk, tsk, tsk!


Sana hayaan na lamang nila ang lahat ng tao na lumabas ng bahay at pag-ingatin na lamang nila ang lahat.

DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the columnists do not necessarily reflect or represent the views and opinions of the owners.


Same Category

OpEd

A salute to rescue workers

Republika
OpEd

When can we have the vaccine?

Republika
OpEd

Balanghay voyage stirs marine consciousness

Republika
OpEd

Invest in lambanog

Republika