www.republika-online.com

Loading...

Kalupitan ng OWWA

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo Rosario

Kalupit nitong Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino Workers na umuwing luhaan dahil sa kanilang mapait na karanasan sa ibang bansa. Sa halip na tulungan ang distressed workers ay pinaparusahan pa sila ng OWWA na dapat pangalagaan ang kanilang kapakanan.


Biro n’yo, mga padrino ko, itong OFW na tatawagin ko na lang na si “Maria” ay tumakas sa kanyang malupit na employer sa Amman, Jordan, noong 2019.


Sa halip na magtungo sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) doon sa Amman, ay nagpasya itong si Maria na sumuko na lamang sa tanggapan ng pulisya. Alam kasi niyang matatagalan siyang makauwi sa dami ng mga requirement sa Bahay Kalinga ng OWWA na nasa ilalim ng POLO.


At nang makauwi na dito si Maria, ay nagtungo siya sa tanggapan ng OWWA sa Makati para mag-apply ng kabuhayan nireng ahensya na pinamumunuan ni Administrator Hanz Cacdac.


Pero sa halip na tulungan si Maria ng OWWA ay napakarami pa raw mga requirement na hinahanap nireng ahensya na gaya ng certification na siya ay nagmula sa Bahay Kalinga sa Amman, gayong hindi nga siya nanggaling doon.


Hinanapan pa raw siya ng certification mula sa Jordan police na nakulong siya roon kaya nagpatulong si Maria sa kanyang kaibigang OFW rin doon na agad namang nakakuha ng naturang certification. Syempre sa lenggwahe ng Amman ang certification kaya ang gusto raw ng OWWA ay ipa-translate pa iyon sa maiintindihan nilang lenggwahe. Susmaryosep!

Lumilitaw ng wala palang translator ireng OWWA gayong meron naman silang ipinamimigay sa OFW na pamphlet sa mga opisyal sa POLO at OWWA, e, di sana meron din silang kopya para matutuo sila ng ibang lengwahe at hindi yaong pahihirapan pa nila ang distressed OFWs! Tsk, tsk, tsk!!


Obligasyon ng OWWA na pangalagaan ang kapakanan ng OFWs kaya sana magsipag lamang sila sa kanilang trabaho at huwag yaong pahihirapan pa nila ang mga ito sa pagbigay lamang ng requirements para maisama sa kanilang programang inilaan para sa tinaguriang mga “Bagong Bayani” ng bansa.


Kung kailangan ang certification bilang patunay ngang OFW ay miyembro nga ng OWWA ay tignan na lamang nila ito sa kanilang records at wag na yaong paghagilapin pa ang aplikante sa kabuhayang programa.


Kailangan nga nila ng Amman police certification pero nung makuha ay gusto naman ng mga hindoropot sa OWWA na ipa-translate ito ng OFW! Sus, ginoo!


Nakakaawa ang pobreng OFWs na nakaranas na nga ng kalupitan sa kanilang employer sa ibang bansa, e, makakaranas pa ng dagdag na kalupitaan ng OWWA personnel na dapat mangalaga at tiyaking nasa ayos ang buhay ng mga OFW!


Dapat imbestigahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga aktibidad sa OWWA para naman matiyak ng nakakapagsilbi nang tapat ang mga hindoropot nitong personnel!


Kalupit kasi sa OFWs ang ipinaiiral ng mga hunghang na OWWA personnel. Abangan!!!


Sana ay masunod agad ang pag-alis ng lockdown o community quarantine na nagpahirap sa ating mga mamamayan sa loob ng 7-buwan. Sundin ang WHO!


Same Category

OpEd

A salute to rescue workers

Republika
OpEd

When can we have the vaccine?

Republika
OpEd

Balanghay voyage stirs marine consciousness

Republika
OpEd

Invest in lambanog

Republika