www.republika-online.com

Loading...

Iregularidad sa Jordan POLO

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Del Rosario

Kung gagawa nga ng sinumpaang salaysay ang mga distressed overseas Filipino workers na dumanas ng mapait na karanasan sa Amman, Jordan, ay siguradong malalagay sa kumukulong tubig ang personnel ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) kasama na ang staff ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Nakausap ko ang dalawa sa mga nagrereklamong distressed workers at naikwento nila sa akin ang pambababoy ng kanilang mga employer sa kanilang buhay kaya tumakas sila at humingi ng saklolo sa POLO at pansamantalang inilagay sa pangangalaga sa Bahay Kalinga ng OWWA. Sa pangalan pa lang ay malinaw na obligasyon at responsibilidad nila na tulungan ang mga OFW na nagkakaroon ng problema sa kanilang employer.


Pero lalo palang naging miserable ang buhay ng ating distressed OFWs sa kamay ng mga hindoropot na tauhan ng OWWA doon sa Amman, Jordan. Impyerno raw ang lugar dahil sa kalupitan ng OWWA na sa ngayon ay pinamumunuan ng isang nagngangalang “Berna” na laman daw ng malls sa lungsod ng Amman! Tsk, tsk, tsk!


Katunayan ay habang nagkukwento ang isa sa kanila ay nagngingitngit s’ya at panay ang todong minumura ang mga opisyal ng POLO at OWWA sa Amman! Susmaryosep!!


Bagaman parehong 24-months ang employment contract ng dalawang OFWs na narito na sa bansa, ay isang buwan lang ang kanilang itinagal sa kanilang employer.


Ang isa ay ipinalipat-lipat ng employer hanggang sa dalawang beses daw siyang hinalay o ginahasa ng isa niyang employer kaya siya tumakas samantalang ang isa naman ay binugbog ng kapatid ng kanyang employer na recruitment agency dahil hindi niya sinunod ang iligal na paglipat ng isang OFW rin sa ibang employer. Sus, ginoong kalupitan!


Pero hindi raw pinangkinggan sa POLO ang kanilang reklamo. Hindi sila tinulungan ng POLO na sa ngayon ay pinamumunuan ni Labor Attaché Jainal Raul, Jr., na isang lawyer. Yung welfare officer naman ng OWWA ay hindi nila gaano kilala kasi lagi nga raw wala sa POLO na abala sa shopping mall. Tsk, tsk, tsk!


Kaya nagpasiya na lang umuwi ang OFWs na biktima na nga ng karahasan ng ibang lahi ay naging biktima pa ng kalupitan ng kapwa Filpino na itinalaga sa Amman, Jordan para pangalagaan ang kapakanan ng OFWs. Sila ay ginagastusan ng malaking halaga ng perang mula sa buwis ng mamamayan para magsilbi sa bayan pero inutil sa kanilang sinumpaang tungkulin!


Kaya desidido akong tulungang makamit ng OFWs ang hustisya laban sa kanilang mga agency dito at ang partner nito sa Amman, Jordan, na naglagay sa kanila sa malulupit na employer.


At gusto rin ng hinalay na OFW na kasuhan ang inutil daw sa POLO at OWWA na ginawang impiyerno ang kanilang buhay sa tinaguriang Bahay Kalinga!


Hinihintay ko na lang ang kanilang sinumpaang salaysay at ipinangako ko sa kanilang gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makamit nila ang katarungan. Katarungang ipinagkait sa kanila ng mga hindoropot sa POLO kasama na ang OWWA!


Marami pang kabulastugan sa POLO sa Amman na dapat imbestigahan ng kinauukulan!


Abangan!


Same Category

OpEd

How do you solve a problem like China?

Republika
OpEd

Holy Ramadan month

Republika
OpEd

Women as leaders

Republika
OpEd

Covid cures soon

Republika