www.republika-online.com

Loading...

Ignoramus na barangay officials

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Dapat alam ng mga barangay officials ang kanilang mga obligasyon at mga batas ng bansa para ang tama lamang ang kanilang ipinaiiral at hindi sila magmukhang abusado, istupido, o ignoramus lalo na sa pagpapatupad ng batas.


Biro n’yo, mga padrino ko, inireklamo sa barangay ang isang kaibigan dahil mayroon daw siyang utang na hindi binayaran. Ang inilagay na address ng nagrereklamo ay Imus City gayong nasa Bacoor City ang barangay na kanyang pinagreklamohan dahil dito nakatira ang aking kaibigan.


Ibig sabihin ay walang hurisdiksyon ang Lupong Tagapamayapa sa reklamo at hindi niya sinipot ang patawag sa kanya. Sa madaling sabi ay hindi siya pumapayag na na dinggin ang Lupong Tagapamayapa ang reklamo dahil nga sa walang hurisdiksyon ito kasi sa ibang lungsod nakatira ang nagrereklamo.


Ipinakukuha ko ang kopya ng reklamo para magsampa ng kasong libelo ang aking kaibigan laban sa nagreklamo sa barangay. Dahil nga sa wala siyang utang sa nagrereklamo at ang intensyon ay para lamang ipahiya sya.


Pero sabi ng barangay sa kanya ay wala raw siyang karapatang humingi ng kopya ng reklamo at bawal daw siyang mabigyan nito. At magsampa na lang daw siya ng kontra reklamo sa barangay! Susmaryosep na katangahan!


Ayon sa batas, ang hindi sakop ng lupon ang pagtatalo ng magkaibang lungsod liban na lang kapag pumayag ang inirereklamo na maayos ang problema. Pero hindi nga pumayag ang inirereklamo dahil wala siyang utang at walang hurisdiksyon ang barangay sa naturang reklamo.
Pero may karapatan siyang mabigyan ng kopya ng reklamo dahil siya ang inireklamo at dahil na rin sa Freedom of Information Act at sa Executive Order No. 2, na nagsasabing mayroong karapatan ang publiko na mabigyan ng kopya ng public documents. At nakalagay ang pangalan niya sa dokumentong kanyang hinihingi.


Dahil dito ay pinag-aaralan ng aking kaibigan na magsampa ng kaso laban sa barangay officials at personnel na tumangging magbigay ng kopya ng reklamo laban sa kanya. Dokumentong mahalaga para sa pagsasampa niya ng kasong kriminal laban sa nagpahiya sa kanyang siya ay may utang na halagang P69,000.00 na ayaw niyang bayaran. Pinagmukha siyang balasubas sa barangay at sa ibang mga tao sa lugar.


At sa ginawang ito ng barangay ay siguradong mapaparusahan sila dahil sa pagiging engot! Baka masuspinde pa nga ang kapitan ng barangay na siya ring taga-pangulo ng pangkat ng taga-pamayapa!!
Matuto sana silang igalang ang karapatan ng tao at ang batas! Abangan!!!


Handa na ang aking isasampang reklamo sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) laban sa aming mga opisyal ng homeowner’s association dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9904.


Mantakin ba namang ipinagbabawal ng naturang batas ang tumanggap ng ano mang compensation ang miyembro ng board of directors pero itinalaga ang isang miyembro bilang ingat-yaman ng asosasyon na mayroong P5,000.00 na monthly allowance! Tsk, tsk, tsk!!


Madali kong mapatunayan ang kanilang bad faith dito dahil habang ang association secretary ay P1,000.00 ang allowance ay P5,000.00 ang sa ingat-yaman na miyembro ng BOD! Abangan!!!


Same Category

OpEd

Dinner with Roberto Romulo

Republika
OpEd

3/4

Republika
OpEd

Farewell Ka Lito & Gus

Republika
OpEd

‘Pink up’

Republika