www.republika-online.com

Loading...

Dupang sa deposito

Republika

SIPATIN NATIN! | Dodo R. Rosario

Dapat ipa-imbestiga ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, ang A. M. No. 10-3-7-SC o ang e-filing ng reklamo laban sa huwes dahil sa ginawa nitong inutil o walang silbi ang A. M. No. 01-8-10-SC na nag-amyenda sa Section 1, Rule 140 ng Rules of Court.


Biro n’yo, mga padrino ko, ang gusto ng Supreme Court sa Section 1, Rule 140, ay maging magaan at madali ang pagsasampa ng reklamo laban sa huwes na nasasangkot sa katiwaliaan o iregularidad. Kaya sa simpleng beripikadong reklamo lamang ay maaari nang gumulong ang reklamo at iimbestigahan na ito ng Korte Suprema.


Ang Section 1, Rule 140, ay inamyendahan pa ng A. M. No. 01-8-10-SC para lalong pagaangin at padaliin ang pagsampa ng kaso laban sa huwes dahil nilinaw nito na ang Korte Suprema mismo o motu proprio ay maaaring magsampa ng reklamo laban sa tiwaling huwes sa pamamagitan ng beripikadong reklamo o sa anonymous complaint na ibig sabihin ay hindi na obligadong magpakilala ang magrereklamo at kailangan lang na suportado ito ng dokumento. Wow!


Gusto kasing linisin ng Korte Suprema ang hudikatura kaya pinagaan at pinadali ang pagsampa ng reklamo laban sa mga tiwaling huwes.
Pero binaboy nitong e-filing ng complaints laban sa judges na kinakailangan pang isalin sa soft copy ang mga nasa hard copy. At ipadala pa ito sa e-mail bago dalhin sa Korte Suprema sa loob ng 24-oras, ang reklamo at mga ebidensya! Sus, ginoo!!


Malinaw na ang A. M. No. 10-3-7-SC ay kontra sa kagustuhan ng A. M. No. 01-8-10-SC. At Section 1, Rule 140 ng Rules of Court.


At ang pinakamalinaw ay pinoprotektahan nito ang mga tiwaling huwes. Protektado ng Administrative Matter No. 10-3-7-SC ang corruption at iregularidad sa hudikatura! Tsk, tsk, tsk!


Kaya dapat lang ipawalang –bisa ng Korte Suprema sa pamumuno ni CJ Peralta itong proteksyon sa mga tiwaling huwes. Ibasura n’ya ito!
Para manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa hudikatura! At mapatunayang ang hustisya ay hindi lamang para sa mga mayayaman!


Napakadupang nireng Metro South Medical Center na nasa Molino-Zapote Road, Molino IV. Bacoor City, Cavite. Napakarami na nitong biktima dahil sa kasibaan sa deposito.


Mantakin ba namang, hindi talaga nila seserbisyohan ang ano mang emergency situation kapag hindi muna maglabas ng salapi ang pasyente! Kahit pa naghihingalo na ang pasyente ay kailangan munang magpakita ito ng pera bago ito gamutin!! Susmaryosep!!!


Minsan ay may nakita akong isinugod sa emergency room nireng MSMC dahil sa sinaksak siya ng tako ng bilyar sa ulo. Delikado na ang lagay ng pasyente pero kwinentahan pa rin ang kayang mga kasamahan ng malaking halagang kakailanganin. Tsk, tsk, tsk!


At nang walang maipakitang pera ang mga kasamahan ng pasyente ay nagdesisyon silang ilipat na lamang ito ng ibang ospital gamit ang ambulansya ng ospital. Pero wala pa rin silang pambayad sa ambulansya kaya ang sabi ng ospital ay wala palang driver ang ambulansya! Sus, ginoo!
Sana makasuhan ireng MSMC para makulong ang mga hindoropot na opisyal nito! Abangan!


Same Category

OpEd

NO to Cha-Cha

Republika
OpEd

Do we need another Senate probe?

Republika
OpEd

Faith slays Covid19 for Christmas

Republika
OpEd

Wealth preservation is the key

Republika